Popular Posts

Thursday, June 7, 2012

Bato

Nasubukan mo na bang maging bato? Pagod na ang leeg ko kakatingala, gusto ko na tumungo Pero hindi ko magawa, dahil mga luha ko ay tutulo. Pagod na ako maging malakas, wala na ako mapaghugutan. Para bang lalo ako lumalaban, Lalo dumadami ang mga pangyayaring tumutulak sa kin para sumuko. Minsan na ako tumungo, lumuhod at nanalangin, Gusto kong isipin na naririnig ako ng Diyos. Pero bakit ang hirap hirap pa rin. Sobra sobra ba ginawa ko na kasalanan, ultimo Sya di na ako mapatawad??? Sa aking pagtungo, maraming luha ang pumatak, Di pala ako "bato". Tao pa rin na nasasaktan...

No comments: