Popular Posts

Monday, August 13, 2007

So Near Yet So Far


Sabi ng kaibigan ko kailangan na raw nya ng salbabida kasi nalulunod na sya. Ako rin raw tingin nya kailangan ko na. Sabi ko nagtatmpisaw pa lang ako sa dalampasigan, sya nasa laot na. Di ko pa kailangan ng salbabida.... =)


Parang nung kailan lang yun, naaalala ko, nasa MRT station kaming tatlo. Sabi ko sa kanila binigyan nya number nya sakin at in return gusto ko naman sya i text. Sabi nila oo sige text mo, matapos ang pag cocompose ng mga salitang dapat raw eh nasa pamatayan na "safe sms message" (ibig sabihin, di needy ang dating, di desperate, di rin friendly, at higit sa lahat dating ng interested) langya ang hirap noh...nagpadala kami ng sms message. Nakakatuwa na nakakathrill kasi sumagot lang sya nung malapit na bumaba yung dalawang kaibigan ko at left alone ako na nag iisip ng mga words to choose para ma contruct ang aking mga sagot...


Dun nagsimula yun eh, dun lang...pero tingin ko bago ko pa man napansin ka, napansin mo na ako...bakit mo ba bibigay ang number mo sakin kung di mo gusto na i text kita... =P (sabi ng Konsensya ko, "Earlene are you convincing him or are you convincing yourself?) "Consicience, Shut up" ahhaahahha =P


Masasabi ko lang, tama lang na naglakas loob ako ng mga oras na yun, di na importante kung ako nauna o ikaw ang nakapansin, ang importante masaya tayo dalawa ngayon. Basta alam ko masaya ako sa piling mo, ikaw masaya ka ba? Kita ko naman sa mga ngiti mo....Mamaya na lang siguro tanungin kita...see you later... =P

No comments: