Popular Posts

Friday, August 17, 2007

Kontento


Dati akala ko madali ako makontento.. Pero nito lang, naisip ko wala ako kakontentuhan..,, dati nung nakita kita..natawa lang ako naisip ko, di magkakagusto ang tipo ng lalaki na ito sakin. Pero napansin mo ako...Sabi ko sana, kahit kaibigan lang...okey na ako..Pero ito ako ngayon, higit pa sa kaibigan turing mo sakin, pero nag hahanap pa rin ako...Wala nga ako kakontentuhan...???


Pinanalangin na kita, dapat nagtitiwala ako sa Maykapal..Alam ko ikaw ang binigay nya sakin...Bakit pa ako magdadalawang isip? Bakit pa ako, mawawalan ng tiwala? Dapat akong manatili kung san ako nakatayo at patuloy na ipanalangin na sana makontento ako at hayaang si GOD and mag guide ng buhay natin...=)

No comments: