Popular Posts

Saturday, October 13, 2007

May kalabuan......part 2

Parang nung isang araw, kakasimula pa lang ng Mayo. Medyo pangit kasi ang ending ng Abril ko , so understood di rin maganda pasok ng Mayo...Maraming problema..maraming hussle...Muntik na magkahiwalay...muntik na mag away..medyo may sumbatan..medyo may alitan.. misunderstanding..haayyy..
Pero ngayong patapos na ang Mayo, mukhang magiging masaya na ako..hehehe =) nakapag plan na ako ng vacation/s ko..sana matupad lahat yun..nakatapos na ako sa isang responsibilidad..at na eenjoy ko nanaman ang paglabas.. =)
Sa pag pasok ng Hunyo, kalahating taon na agad ang lumipas...2 libro na ang nababasa ko..ang target ko is more than 5 books this year..sana matupad..matapos ko ang ibang responsibilidad ko at malinis ang aking record...salubingin ang 2008 ng open arms with a smile in the face..ano ba yan may kalahating taon pa pala ako..
Gusto ko mapanood ang shrek 3, harry potter,fantastic 4 at ocean's 13 pero bago yun ang pirates of the caribbean muna.. =) gusto ko makapunta sa petronas tower at mapasa ko ang isang minimithing application..after nun masasabi kong mission accomplish nanaman ako for this year...ay oo nga pala ang pinakakaantay ko na araw, ang aking birthday, kasi 30 na ako nun..hehehe =) Imagine, three and zero..Buti na lang muka lang ako 24 =) hahaha..
Sana matupad lahat yan.. isang pangarap nanaman na kasing sarap ng super supreme pizza na may 3 cheese lava explode sa dulo with honey roast chicken wings on the sides...yummy


Ito yung entry na ginawa ko nung May 29, 2007... Ito rin yung same time na nag pray ako kay GOd ng buong puso...hehehe =) nakakatawang isipin sa isang araw na pagitan answered prayer ako...galing talaga ni GOD.... =) May 30, 2007...ito ang araw na unang nagtagpo ang aming mga landas...at ang lahat ay isa nang makulay, masalimuot, masayang, malungkot, mahirap, masarap, kakaibang karanasan...

May kalabuan nga, dahil...di ko agad nakita...

No comments: