Popular Posts

Monday, June 18, 2007

Si GOD at AKO

Sa mga oras na ito, aaminin ko, minsan na lang ako tumawag sa iyo. May mga oras na sa sobrang pagod ko nalilimutan ko na alalahanin ka. Alam ko mali yun, alam ko na di ko dapat ginagawa yun, kasi alam ko naman na lahat ng meron ako ngayon galing sa Iyo..

Naalala ko tuloy nung bago ako pumunta rito, isa lang hiniling ko sa iyo, na makapag trabaho ako rito at maranansan ko ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Pero masyado ko na ata na focus ang attensyon ko sa sarili ko...

Gusto ko humingi ng tawad, dahil nalayo na ako sa aking mga unang plano. Sabi ko sa iyo nun 2 taon, sa dalawang taon ikaw na bahala sakin. Kung san ako papunta, kung san ako pupulutin magtitiwala ako sa iyo. At pagkatapos ng dalawang taon, Ikaw ang magdedesisyon kung san talaga ang aking tadhana...

Ilang buwan na lang, March 2008, 8 months..ilang araw na lang yun...What is instore for me? Sabi ng daddy ko kagabi nung greet ko sya ng HAPPY FATHER's DAY!!! kamusta na raw ang aking spiritual life. di ako makasagot...

Nakalimutan ko nga rin pala.. HAPPY FATHER'S DAY.....

No comments: