Popular Posts

Thursday, July 19, 2007

JACKPOT????



Naalala ko dati pag tinatanong ako kung bakit wala pa ako boyfriend..Sasagot ko lang kasi wala pa yung ibibigay ni GOD sa akin. Lagi naman nila sagot, "Ang bait mo naman, bakit kaya wala pa sya?" Sasagot ko naman: "Siguro mala anghel sya"
Dumadating sa point na, nasasaktan na ako, pero patuloy pa rin ako umaasa na darating sya...Sabi ko sa sarili ko, kung di man ako bigyan ng Diyos ng partner, may dahilan..at kung ano man yun dapat akong maging mapagpasalamat pa rin..
Pero, ang puso habang tumitibok, nagmamahal...Maraming beses na ako nasaktan, umiyak, pero di ko pinagsisihan ang lahat. Sa bawat pagpatak ng luha, iniisip ko di yun ang pinili ng Diyos para sakin. Ako lang ang makulit, di ako nagiging pasensyosa...
Sa huling drama ng buhay ko na tinalo ko pa mga dramatic actresses sa pag iyak, sabi ko sa sarili ko magiging matatag na ako...(Lagi naman eh) Sa mga panahon na yun, nakita ko ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sakin... Nakita ko na marami pala ang nakapaligid sa kin na tunay na nagmamahal sakin...
Sa ngayon, masasabi ko na masaya ako.. Hinahayaan ko lang na mangyari ang lahat..Sa mga panahon ngayon, maganda naman ang mga nangyayari...Sana tuloy tuloy na ito..sana forever...
Ganun naman talaga eh? Patuloy na umasa at patuloy na magmahal, malay natin di ba, sa pagkakataong ito nakajackpot na ako... =)




No comments: